Ang Kautusan sa Pangkalusugan ay sumasakop sa lahat ng Healthcare Delivery Settings. Ang Healthcare Delivery Facility ay tumutukoy sa alinmang lugar o bahagi ng lugar na may ibinibigay na panloob na medical, nursing, dental, vision o behavioral healthcare at/o serbisyo. Ang lahat ng lugar kung saan inihahatid ang mga serbisyong ito ay kailangang sumunod sa mga patakaran na napapaloob sa Kautusan sa Pangkalusugan. Kabilang dito, ngunit hindi limitado, sa mga sumusunod na panloob na healthcare settings: private doctor offices, primary care clinics, urgent care centers, community clinics, dental offices, optometry offices, physical therapy and psychological, psychiatric, o iba pang lugar na naghahatid ng behavioral health care.
Tinutukoy na Patient Care Areas ang alinmang panloob na lugar na malapit o kayang daanan upang makatanggap ang pasyente ng health care o serbisyong medikal, nursing, dental, vision o behavioral. Kabilang dito ang mga lobby, waiting rooms, examination rooms, patient wings, elevators, stairwells, at hallways na ginagamit ng mga pasyente. Hindi napapabilang sa Patient Care Areas ang administrative office o staff break areas na pinapasukan lamang ng mga empleyado ng Health Care Delivery Facility. Hindi napapabilang sa Patient Care Areas ang mga cafeteria o gift shop na hindi ginagamit sa pagbibigay ng healthcare o sa pag-access ng mga lugar kung saan nagbibigay ng mga serbisyong pangangalaga sa kalusugan.
Hindi. Hindi kailangan ang mga Face Mask sa mga silid pahingahan at tanggapang administratibo na ginagamit lamang ng mga empleyado o kawani at hindi ginagamit para sa layunin ng pangangalaga ng pasyente.
Oo. Hindi ipinagbabawal ng Kautusan ang mga indibidwal na negosyo at mga entidad ng pamahalaan na nagpapatakbo ng mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan na magpasya na lumikha ng mga patakaran na nangangailangan ng pagmaskara sa mga karagdagang lokasyon o lugar sa mga karagdagang oras ng taon. Gayunpaman, ang mga Health Care Facilities na nagpapatakbo sa Santa Clara County ay hindi maaaring lumikha ng mga patakarang hindi gaanong mahigpit kaysa sa mga inilarawan sa Kautusang ito. Mahigpit na inirerekomenda ng Opisyal ng Pangkalusugan na subaybayan ng mga Health Care Facilities ang lokal at panloob na data na nagpapahiwatig ng mga nagpapalipat-lipat na antas ng mga respiratory virus at epekto sa mga pasilidad at magsagawa ng mga panloob na patakaran na nangangailangan ng pagmaskara sa mga oras sa labas ng Designated Winter Respiratory Virus Period kapag ang lokal o institusyonal na data ay nagmumungkahi ng mataas na panganib sa mga pasyente o sa mga empleyado. Para sa data tungkol sa pagsubaybay sa wastewater ng County, bisitahin ang https://covid19.sccgov.org/dashboard-wastewater.
Ang mga Face Mask ay isang mahalagang kasangkapan para pigilan ang pagkalat ng mga respiratory virus at sinumang may kakayahang magsuot ng Face Mask nang ligtas ay dapat gawin ito kapag nasa Patient Care Area ng isang Healthcare Delivery Facility sa panahon ng Designated Winter Respiratory Virus Period. Gayunpaman, kung saan kinakailangan ang mga Face Mask, may mga exemption para sa mga taong may kondisyong medikal, kondisyon sa kalusugan ng isip, o kapansanan na pumipigil sa kanila sa pagsusuot ng Face Mask, at para sa mga taong may kapansanan sa pandinig o pakikipag-usap sa isang taong may kapansanan sa pandinig.
Ang Kautusan ng Opisyal ng Pangkalusugan ay hindi gumagawa ng mga pagbabago sa mga kinakailangan sa Americans with Disabilities Act (ADA), at ang ADA ay nananatili sa buong puwersa sa buong county. Ang mga negosyo at pampublikong entidad ay dapat sumunod sa kanilang karaniwang mga obligasyon sa ADA. Bisitahin ang https://www.ada.gov/resources/title-iii-primer/ para sa karagdagang impormasyon sa mga kinakailangan ng ADA para sa mga negosyo.
Ang mga surgical mask, KN95, KF94, at N95 mask ay katanggap-tanggap lahat. Ang mga scarf, ski mask, balaclavas, bandana, turtleneck, collars, cloth mask, o anumang mask na may unfiltered one-way exhaust valve ay hindi kwalipikado bilang mga katanggap-tanggap na Face Mask para gamitin sa Patient Care Areas of Health Care Delivery Facility.
Kabilang sa Kautusan sa Pangkalusugan ang mga taong nasa Healthcare Delivery Settings. Napapabilang dito ang mga clinical at non-clinical staff, residente, pasyente, bisita, volunteer, estudyante, at sinumang iba pang tao na kasalukuyang nasa Patient Care Areas ng isang Healthcare Delivery Setting.
Ang Kautusan sa Pangkalusugan ay nalalapat sa mga “fixed” healthcare delivery setting. Sa ilalim nitong Kautusan sa Pangkalusugan, ang mga empleyado ng pang-emerhensiyang serbisyong medikal at mga unang rumeresponde ay hindi kailangang magsuot ng Face Mask sa non-fixed medical sites katulad ng mga ambulansya. Ngunit, sila ay kailangang magsuot pa rin ng Face Mask kapag papasok at magtatrabaho sa loob ng isang Patient Care Areas ng isang Healthcare Delivery Facility katulad ng pagbababa ng isang pasyente sa ospital. Mariing inirerekomenda ng Health Officer na ang mga sinumang nagbibigay ng pang-emerhensiyang serbisyong medikal at mga serbisyo sa unang pagresponde ay sumubaybay sa lokal at panloob na data na nagpapahiwatig ng mga antas ng paglaganap ng mga respiratory virus at epekto sa kanilang mga operasyon at pagtatag ng mga panloob na patakaran na nangangailangan ng pagtatakip kapag kinakailangan dahil iminumungkahi ng lokal at institusyonal na data na may mataas na panganib sa mga pasyente o mga empleyado. Para sa data tungkol sa pagsubaybay sa wastewater ng County, bisitahin ang https://covid19.sccgov.org/dashboard-wastewater.
Oo, Ang Kautusan sa Pangkalusugan ay sumasakop sa mga school health office kung saan nagbibigay ng pangangalaga sa mga pasyente at ang pagsusuot ng mga Face Mask ay kinakailangan alinsunod sa Kautusan sa Pangkalusugan.